Friday, August 29, 2014

Boom Pinoy Sayawit




Ika dalawampu’t siyam ng Agosto ng kasalukuyang taon,
Sa Layforce, San Carlos Seminary, Guadalupe naganap doon.
Nagsama-sama ang Catholic Filipino Academy Grade School
Makulay na Boom Pinoy Sayawit, itinanghal sadyang ukol.

“Sitsiritsit” sayaw ang ipinakitang talento ng mga Kinder One
“Ako’y Isang Pinoy” himig interpretasyon naman ang sa Kinder Two.
Mga taga Unang Baitang umawit ng Ilonggo lullabye
Sumayaw ang Ikalawang Baitang ng “Bahay-Kubo”, ang husay.

Awit at sayaw ng “Sarumbanggi” ang sa Ikatlong Baitang.
Pambatong Maranaw dance naman ipinakita ng Ikaapat na Baitang
Umawit ng Tausug lullabye ang mga Ikalimang Baitang
Napasayaw ang lahat sa Maskara dance ng Ikaanim na Baitang.

May mga bayani at santo din na panauhing pandangal.
Si Lapu-lapu at kanyang maybahay, tunay ang Muslim na kasuotan.
Nagpakitang tapang si Andres Bonifacio, pinuno ng katipunan
Kababaang loob naman si San Lorenzo, Diyos pinaglingkuran.

Maraming palaro para sa mga bata.
Mga magulang at bisita din ay nakilahok at nasiyahan.
Kaya matapos magbigayan ng mga parangal.
Masayang  kumain ang lahat, nabusog bago mag-uwian.

No comments:

Post a Comment